Kabanata 39
Kabanata 39
Masusuot ng sanggol sa kanyang tiyan ang mga damit na ito kahit ano pang kasarian nito.
Magbabayad na sana si Madeline para sa mga damit. Subalit paglingon niya, nakita niya si Meredith.
Tila ba mag-isa siya. May masama itong ngiti sa kanyang mukha. Gusto siyang lagpasan ni Madeline,
ngunit hinarang siya nito.
"Maddie anlaki na ng problema mo pero may gana ka pang mamili? Diba hinahanap ka ng mga pulis?"
Naguguluhan si Madeline sa kung ano bang tinutukoy niya. Pagkatapos nagpatuloy si Meredith.
"Napakagaling mo ring magpanggap noh. Ayos lang kung wala kang talento, pero bakit ka nag
plagiarize ng gawa ng iba? Kinasuhan ka ng Minora sa pagsira sa pangalan ng kompanya nila. Atsaka
kinakasuhan ka nila sa paglabag sa intellectual property rights. Kung mahuli ka sa krimeng ito
makukulong ka."
Naguluhan si Madeline. Ang kompanyang binanggit ni Meredith ay ang kompanyang nagtiwala sa novelbin
kanya na magdisenyo ng mga couple ring.
Subalit sarili niyang likha ang mga iyon. Di siya kailanman nangnakaw ng mga disenyo, paano naging
plagiarism yun?
"Kalokohan yang sinasabi mo Meredith! Sinisira mo ang reputasyon ko sa paninirang puri mo na ito."
"Wag ka nang magpanggap Maddie. Di ito ang unang pagkakataong gumawa ka ng ganito karumal-
dumal na bagay," naaawang sinabi ni Meredith.
Ayaw nang awayin ni Madeline si Meredith. Maraming beses na siyang natatalo. Ayaw na niyang
bigyan pa ng pagkakataon si Meredith na pagbintangan siya muli.
Subalit, tila ba alam ni Meredith na gustong umalis ni Madeline, kaya mabilis niyang hinablot ang
kamay niya at sinabi nang marahan at malakas ang boses, "Maddie, alam kong ayaw mo sa akin,
ngunit pakiusap wag mong patayin ang anak ko. Maghiganti ka sa akin kung gusto mo. Walang
kinalaman ang bata!"
Ito na naman.
Nabiktima si Madeline dito noong unang beses, kaya di niya hahayaang mabiktima siya ulit ni
Meredith.
Subalit, mas tuso si Meredith sa inaasahan ni Madeline. Hinila niya ang kamay ni Madeline ay inihawi
ito bigla. Pagkatapos bumagsak siya palikod na tila ba nawalan siya ng balanse.
"Ah!" Sumigaw siya sa sakit. Ang mga staff at customer ng maternity shop ay lumapit para tumingin.
Pagkatapos, sakto ang dating ni Jeremy. Nakita niya sa sahig si Meredith na namimilipit na hawak ang
kanyang tiyan sa sakit. Nagmamadali niya itong binuhat. May dugo sa sahig kung saan nakahiga si
Meredith kanina lang.
Sa sandaling ito, namumula ang mga mata ni Meredith. Malungkot at may poot niyang sinigawan si
Madeline, "Bakit ba ang sama sama mo Maddie? Bakit mo inagaw ang boyfriend ko? At ngayon
binalak mo pang patayin ang anak ko! Kapatid mo ako!"
Bumagsak siya sa mga braso ni Jeremy habang mukhang labis na nasasaktan. "Jeremy, di ko na
maaalagaan ang bata. Ramdam kong humuhulas na siya sa katawan ko…"
Sabay-sabay na tinitigan nang masama ng mga nakikitingin si Madeline.
Tinitignan siya ni Jeremy nang may matinding malisya. Tila ba gusto siyang patayin nito. "Madeline!
Kapag may nangyari sa anak ko, ililibing kita kasama niya!"
Nakaramdam si Madeline ng bugso ng hangin na tumaas mula sa kanyang mga paa. Nabalot ng
masamang pakiramdam ang katawan niya.
Pinagbantaan siya ni Jeremy bago nagmamadaling umalis na bitbit si Meredith sa kanyang mga braso.
Lumingon si Madeline para sundan sila, ngunit sa sandaling lumabas siya sa tindahan, pinigilan siya
ng dalawang pulis. May nagtawag ng pulis.
Namanhid ang anit ni Madeline sa pamilyar na eksena. Naalala niya kung paano siya binugbog nang
husto noong nakulong siya. Muntik nang mawala ang anak niya.
Pag nakulong siya uli, baka mamatay siya doon. Balak niyang maabutan ang kapanganakan ng anak
niya kay Jeremy bago siya mamatay. Ayaw niyang pumasok doon!
"Di ko siya tinulak! Sadya siyang bumagsak!" Nasa bingit na siya ng emotional breakdown.
Pagkatapos, nabaling sa kanya ang ingay ng pagpupuna at pagkamuhi mula sa mga tao sa paligid.
Sigurado ang lahat na siya ang gumawa ng karumal-dumal na krimen.
Pinosasan ng mga pulis si Madeline nang makita nila na ayaw niyang makisama. Pagkatapos, dinala
nila siya sa kotse ng pulis.