Chapter 22
Chapter 22
MAINGAT na lumapit si Lea sa nakadapang anak habang natutulog. Nasa tabi nito ang mga lapis at
sketch pads nito. Mukhang nakatulugan na nito ang pag-drawing. Naupo siya sa kama nito at kinuha
ang sketch pad na pinakamalapit rito. Ililigpit niya na sana iyon nang mapatitig siya sa papel. Natigilan
siya nang makitang ang mukha niya ang nakaguhit roon.
Janna can draw really well. Buhay na buhay ang ngiti niya doon. Sa ibaba niyon ay may nakasulat na ‘I
miss you, Mommy’.
Namasa ang mga mata ni Lea. Bakit ba paulit-ulit niyang ipinaparanas sa anak ang naranasan niya sa
ama nito? Naalala niya noong mga panahon na nagkikita sila ni Jake pero nami-miss niya pa rin ito.
Because their connection was no longer there. And that was hard. Pero heto at pinaranas niya pa ang
kahirapan na iyon sa anak. Iyon na yata ang isa sa pinakamasakit na bagay na maaring maranasan ng
isang ina. Ang masabihan niyon ng anak lalo na kung sa iisang bahay lang kayo nakatira, nag-uusap
kayo at nagkikita pero iyon pa rin ang nararamdaman ng anak.
Napahugot si Lea ng malalim na hininga bago niya binuklat ang sketch pad ni Janna. Naroroon rin ang
mukha ni Timothy. Nakaguhit rin doon ang masayang mukha nilang mag-asawa. Marami rin silang
mukha roon ni Timothy pero walang nakaguhit roon ni isa na kumpleto silang tatlo, na isinali ni Janna
ang sarili. Samantalang noong maliit pa ito, kahit human stick lang ay ipipilit pa rin nitong gumawa
basta makumpleto lang ang family drawing daw nila.
Ang sumunod na tiningnan ni Lea ay ang iba pang sketch pad ng anak. Nasorpresa siya nang
mabuksan ang isang buong ganoon na puro ang mukha nila ni Jake ang laman. Bago lang iyon.
Nasisiguro niya. Dahil ilang buwan pa lang simula nang iregalo ni Jake ang sketch pad na iyon sa
anak. Iba’t ibang facial expression nila ng ama nito ang naroroon. May nakangiti, nakakunot ang noo,
salubong ang mga kilay, nakatanaw sa malayo at meron ding malungkot at… lumuluha.
Pero sa mga sumunod na pahina ay ang mukha na nilang tatlo ang nakaguhit. Puro mukha na nila ang
mga naroroon at sa bawat ibaba niyon ay parating may caption.
I miss my real parents. I miss my real Daddy. Ilan ang mga salitang iyon sa mga nakalagay roon. Sa
dulo ng sketch pad ay sulat na lang ang nakalagay.
Daddy Tim was the best daddy in the world. He was so good to me. But I still miss my real Daddy. And
when I miss him, I can’t help but be hurt and hate him. Because we could have been a happy family if
only he didn’t hurt Mommy. Masaya ako kay Daddy Tim pero madalas feeling ko, mas masaya sana
kung si Daddy Jake ang kasama ko. He’s not the best Daddy. He makes mistakes. But I love him. I
know he loves me, too. And I feel like Mommy and I could have been happier with him.
Parang napasong nabitiwan ni Lea ang sketch pad sa nabasa. Ngayon ay alam niya na kung bakit
ganoon na lang kalamig noon ang trato ng kanyang anak sa ama nito. Mabilis na ibinalik niya ang
sketch pad sa kama bago lumabas na ng kwarto ng anak.
She needed time to think. Pero si Jake naman ang sumunod na sumalubong sa kanya. Dala na nito
ang mga maleta nito.
“Hindi ako aalis dahil sumusuko na ako.” Agad na sinabi ng binata. “Aalis ako dahil lalaban ako.
Lalaban pa ako. You told me to leave if I push through this. So, here I am. “Matipid na ngumiti ito. “I will
fight for what I feel, Lea. Maghihintay ako hanggang sa dumating ang araw na handa ka nang
tumanggap ng tenant sa puso mo. Naiintindihan kong napagod ka na dahil sa paglaban mo noon. Kaya
sa pagkakataong ito, ako naman ang lalaban… para sa ating tatlo. I will do all the fighting this time.”
Sumasakit ang ulong napahawak si Lea sa kanyang noo. “Jake-“
“Almost three years ago, you let me go. And again, I understand. But Lea, if love for you meant letting
go then, I’m sorry.” Determinadong tumitig sa kanya ang binata. “Because now, for me, it means
holding on.”
“I’VE packed your lunch. Ipinagluto ko kayo ni Janna. Tara, kain na tayo.”
“Goodness,” Napahawak si Lea sa kanyang dibdib sa pagkasorpresa nang ang mukha ni Jake ang
bumungad sa kanya pagbukas niya ng pinto ng kanyang kwarto. Mayamaya ay nagsalubong ang mga
kilay niya. “Ano’ng ginagawa mo rito?”
Matamis na ngumiti ang binata. “Ipinaglalaban ka.”
“What? ‘Di ba umalis ka na kahapon?”
“Oo. Pero bumalik ako kaninang madaling-araw para magluto. Gaya nang dati. Hindi ko naman
pwedeng pabayaan ang reyna at prinsesa ko. Habang hindi mo pa kayang makipagtunggali sa kalan at
sandok, ako na muna. Sabi ko naman sa ‘yo. I will do all the fighting this time.” Kinindatan siya ni Jake.
“My skills are improving, honey. You should have breakfast with me and Janna. Kahit ngayon lang.
Tinawagan niya ako kagabi. Nabanggit mo raw na babalik ka na sa trabaho ngayong araw kaya
ipinaghanda kita ng packed lunch.” Inilahad nito ang isang palad sa kanya. “Tara na sa kusina?”
Hindi sumagot si Lea. Mauuna na sana siya sa paglalakad nang mabilis na pigilan siya ng binata sa
braso. “Ano na naman?”
Sa pagkasorpresa niya ay ikinulong siya ni Jake sa mga bisig nito. “Kapag sobra na ‘yong sakit at
pakiramdam mo hindi mo na kaya, lumapit ka naman sa akin, o. Please. Ipasa mo sa ‘kin. Sasaluhin ko
para sa ‘yo. Kapag nanghihina ka na, hayaan mo ako sa tabi mo. Kahit hindi mo na ako mahalin. Tutal,
hindi naman ‘yon ang hinihingi ko. I just want to be with you this time. I just want you to feel my
presence this time. Gumanti ka sa mga nagawa ko sa ‘yo noon. Alilain mo ako, magpapaalila ako.
Murahin mo ako. Sampalin mo ako. If those things will ease your pain, then just do it.
“Ayokong magsisi na wala akong ginawa para sa ‘yo lalo na ngayong nasasaktan ka na naman nang
sobra.” Maingat na pinakawalan siya ni Jake. Hinawi nito ang buhok niyang tumatabing sa kanyang
mukha. “Ilang beses na akong nawalan. Kaya alam ko ‘yong pinagdaraanan mo. I won’t distract you
from the pain, Lea. You have to feel it. Completely. So, you can let it go… completely.” © NôvelDrama.Org - All rights reserved.
Muli ay hindi nakapagsalita si Lea. May kung anong para bang humaplos sa puso niya. Bumitaw siya
sa binata. Pero hinawakan uli nito ang kamay niya. Napaharap siya rito. He smiled, that familiar warm
smile.
“I want you to start this brand new day with a thought that you are not going through this tough time
alone. I’m with you. So, is Janna. And… we love you. So much.” Itinaas ni Jake ang isang kamao sa
ere. “So, keep fighting, Lea!”
Nangilid ang mga luha niya.
NAPAHINTO sa paglalakad si Lea nang matanaw ang dalawang pamilyar na bulto sa harap ng
architectural firm niya. Sa tabi ng isang itim na sports car ay nakatayo sina Janna at Jake na parehong
nakangiti sa kanya at halos sabay pang kumaway nang makita siya. Mukhang magkasundong-
magkasundo na ang mga ito ngayon lalo na nang magkahawak-kamay pang naglakad palapit sa kanya
ang mga ito.
Alam niyang nasaktan rin ang anak sa pagkawala ni Timothy. But Jake came to their rescue. Dahil sa
lalaki ay alam niyang nakakabangon na kahit paano ang anak. Maaliwalas na uli ang magandang
mukha nito ngayon.
Walong buwan. Walong buwan na sa Auckland si Jake. Simula nang bumalik si Lea sa trabaho halos
dalawang buwan na ang nakararaan ay lalong naging hands-on ang lalaki sa bahay niya kahit pa hindi
ito roon nakatira. Hatid-sundo nito si Janna sa eskwela. Pagkagaling roon ay siya naman ang sumunod
na pinupuntahan ng mga ito. Just like the old times. Ito ang nagtuturo ng assignments ni Janna.
Pagdating rin nila sa bahay ay ito pa ang magluluto o kung hindi man ay kakain sila sa labas. Alam na
nito ngayon ang mga paborito nila ng anak.
Sa kabilang village lang din lumipat si Jake. Umaalis lang ito sa tuwing tulog na ang kanilang anak.
Pero bago iyon ay lalapitan na muna siya nito para bigyan ng power hug raw nito na araw-gabi ay
natatanggap niya mula rito.
Deep down, she must admit, she needed that embrace. She needed the quiet assurance that lies
within that embrace, the assurance that the heartaches will end one day. Unti-unti ay nasasanay na
siya uli sa presence ni Jake. Unti-unti ay nagagawa niya nang maniwala sa pagmamahal na nababasa
sa mga mata nito.
Hindi niya pala kayang magmatigas sa mahabang panahon. Lalo na kung nagluluksa pa ang puso
niya. She needed the strength that she can get from his encouraging smile every morning while saying,
“Fight, Lea.”
Gabi-gabi ay ngiti uli ni Jake ang nakikita niya habang sinasabing, “Congrats, you made it today. You
will make it again tomorrow.”
Walang ibang kilala ang lalaki sa Auckland. Iniwan nito ang lahat sa Pilipinas para sa kanila ni Janna.
Pero wala siyang naririnig rito. Ito ang nag-adjust at hanggang ngayon ay pinipilit pa ring mag-adjust
para sa kanilang mag-ina. Alam niyang nahihirapan na rin ito. Pero parati pa rin itong may nakalaang
ngiti para sa kanila.
“’Wag mo akong tingnan nang ganyan, Lea. Pinapaasa mo naman ang puso ko, eh. Nagagwapuhan ka
na ba uli sa akin?” Nagbibirong sinabi ni Jake matapos siyang abutan ng isang bouquet ng dilaw na
rosas, ang paborito niyang mga bulaklak. Araw-araw ay nakatatanggap siya niyon mula rito.
“You’re really here.” Wala sa loob na sagot ni Lea mayamaya. “You really stayed here with us.”
Si Jake naman ang natigilan. Mayamaya ay ngumiti ito. “Where else could I be? My family is here.”
“Walong buwan ka nang nandito. Ang laki na nang isinasakripisyo mo para sa amin. Paano na ang
mga negosyo mo sa ‘Pinas?” Sa kauna-unahang pagkakataon ay naitanong ni Lea.
“I have trusted people who can take care of them. Saka namo-monitor ko naman ‘yon kahit paano mula
rito. May email naman at cell phone. Besides, this isn’t a sacrifice, Lea.” Magiliw na itinaas ni Jake ang
mga kamay nila ng anak. “We’re together. This is happiness.”