Respectfully Yours

Chapter 1



Chapter 1

Tuwang-tuwa ang matalik na mag-kaibigan na sina Juan at Hernan. Hindi maikakaila ang saya sa

kanilang mga mata. Ang pagkasabik ng kanilang puso. Ang kaba na tumitindig sa kanilang mga

katawan. Ang pagkamangha sa dahilang makikita na nila ang kanilang mga apo.

Sa bawat araw na ginawa ng Diyos ay kanilang hinihiling nang sabay ang magkaroon ng apo. Ngunit

lumipas ang araw na naging buwan hanggang sa maging taon ay hindi na ito natupad. Nanghihinayang

man ay wala silang magagawa lalo na't kagustuhan ng kanilang mga anak na makasama muna ang

isa't isa nang masaya bago sila magsimula ng kanilang pamilya nang mapayapa.

Isang gabi ay napag-desisyonan nila Juan at Hernan na magkaroon ng kaunting salo-salo upang

magkaroon ng kaunting kamustahan ang dalawang pamilya. After all the company stuffs that making

them busy. Hindi hadlang ang kanilang edad to manage their own companies.

Habang kumakain ay panay ang kwentuhan ng mga matatanda nang biglang sabay na napatayo ang

dalawang kababaihan at tumakbo papunta sa banyo. Sinundan naman ito ng kani-kanilang asawa na

hindi magkamayaw ang pag-aalala sa kanilang mga mukha.

Nagka-tinginan ang matatanda nang kanilang mapagtanto ang posibleng mangyari. Magkakaroon na

ba kami ng mga apo?

Doon rin ay nalaman nilang buntis ang dalawa kung kaya't sabik na sabik ang pamilyang Fuentes at

Aragon sa kanilang magiging bagong miyembro ng pamilya.

At ito na nga ang araw na kanilang hinihintay.

Nasa emergency room ang kanilang mga manugang at kasalukuyang ipinapanganak ang kanilang

matagal na hinihintay. Hindi na maitago ang kasabikan ng dalawa. Sa pamamagitan ng paglalakad at

pa-tingin-tingin sa kisame ay nahahalata ang kasiyahan sa kanilang mga mukha. Napagpasiyahan na

lamang ng dalawang matanda na mag-usap upang mailabas ang kanilang pagkasabik na makita ang

kanilang mga apo.

"Hernan, nasasabik na ako mayakap at mahalikan ang aking apo," nakangiting saad ni Juan habang

nakatingin sa pinto ng emergency room.

"Kahit ako nga rin Juan, sana ay maisilang sila ng maayos." Hindi maitago ang kaba ni Hernan lalo na't

ito ang kanilang unang beses na masisilayan ang kanilang mga apo.

"Siyempre naman. Mga magagaling na doktor ang magpapaanak sa ating mga apo." Ngumiti na

lamang rin si Hernan sa narinig. Nagpatuloy lang ang kwentuhan ng dalawang matanda. Mula sa

pagkasabik na makita ang kanilang unang apo hanggang sa kanilang naramdaman noong

pinapanganak ang kanilang mga asawa. Hindi maiitatago na matalik na matalik ngang magkaibigan

ang dalawa lalo na't halos hindi na nila namamalayan ang oras sa dami ng kanilang pinag-kwentuhan. This content © Nôv/elDr(a)m/a.Org.

"Papa!" Masayang lumapit si Eduard sa kaniyang ama at niyakap ito. Tumulo ang luha mula sa

kaniyang mga mata dahil sa kasiyahang nararamdaman. "Tatay na ako."

Ganoon din si Marcel, ang anak ni Hernan. Kitang-kita sa kanilang mga mata ang sobrang saya. Hindi

magkamayaw sa pag-iyak at pagyakap ang dalawa sa kanilang ama dahil sa wakas ay dumating na

ang kanilang mga mumunting anghel sa buhay.

***

Tuwang tuwa si Miranda habang pinagmamasdan niya ang mala-anghel na mukha ng kaniyang

supling na kalong-kalong niya sa kaniyang mga braso. Ang maliliit na mata na parang mga jolen. Ang

mga mahahabang pilik-mata na nagpa-ganda rito. Ang ilong na parang hinugisan ng isang iskulptor.

Ang maliit na mga labi na parang binigay ng isang diwata. Ang mga kilay na parang idinikit lang. Hindi

niya aakalain ganito lang mapapawi ang lahat ng pagod at sakit na kaniyang tiniis para sa munting

anghel na ito.

It was an achievement for her to bear this little angel for nine months and gave birth to the baby in a

very healthy way. She was very proud of the fact that she is now finally a mother.

Tuwang-tuwa rin ang mag-amang si Juan at Eduard. Hindi dahil sa natapos ang kanilang paghihirap

habang pinagbubuntis ni Miranda ang kanilang munting bituin ngunit ay dahil sa wakas ay nagkaroon

na rin sila ng anghel na magbibigay saya sa kanilang tahanan.

"Napakaganda talaga ng aking apo," Tuwang tuwa na sabi ni Juan.

"Kanino pa ba magmamana? E 'di sa maganda niyang ina." Biglang tumingin si Eduard sa kaniyang

mahal na asawa na si Miranda. Malambing naman na pinalo ni Miranda ang braso ni Eduard para itago

ang kaniyang namumulang mukha.

"Kahit kailan talaga, bolero ka talaga," Nanggigigil na saad ni Miranda habang matalim na nakatingin

kay Eduard.

"Bola ba 'yon? Totoo naman ah. Totoo naman na biniyayaan ako ng isang magandang asawa at mala-

anghel na anak." Niyakap niya ang kaniyang mag-ina. Bilang isang ama ay hindi rin niya maitatago ang

galak dahil nakabuo na rin siya ng pamilya na maaari niyang maipagmalaki sa lahat. At sa

pamamagitan ng yakap na iyon ay kaniyang maipapangako na hinding-hindi niya pababayaan ang

kaniyang mag-ina.

"Nakaka-inggit naman kayo." Tumawa nang mapakla si Juan. "Naalala ko tuloy yung mama niyo."

Mangiyak- ngiyak na sabi ni Juan habang inaalala ang kaniyang asawa na si Conchita noong isinilang

ang kanilang anak na si Eduard. Agad niyang pinunasan ang luha dahil sa naging emosyonal siya at

muling binalik ang ngiti sa kaniyang labi.

"O siya! Baka saan pa mapunta ang usapan natin. Ano ang ipapangalan natin sa apo ko?" Nakangiting

tanong ni Juan sa mag-asawang nakatingin ngayon sa kanilang munting anghel.

"Anikka Celyne." Magkasabay na bigkas ng mag-asawa. Guni-guni man ngunit nakita nila na habang

binabanggit nila ang pangalan ng kanilang anghel ay unti-unti itong ngumiti sa kanila.

***

Hindi mapawi ang ngiti ng mga tao sa kwartong ito habang pinagmamasdan ang bagong miyembro ng

kanilang pamilya. Ang kasiyahan ay umaapaw at hindi nila maiwasang hindi matuwa lalo na kapag

nakikita nilang ngumingiti ang kanilang bagong anghel.

"Ang gwapo gwapo naman ng aking apo." Tuwang tuwa na sabi ni Hernan habang kalong-kalong niya

ang kanyang apo.

Ang magagandang pilikmata na napakahaba. Ang manipis na labi na animo'y ipinag-kaloob ng mga

prinsipe. Ang matangos nitong ilong. At ang mga mata na kulay itim na parang nakukulong ka sa isang

hipnotismo kapag ito'y tinitigan. Hindi magkamayaw ang pagka-bighani ni Hernan sa kaniyang bagong

anghel sa buhay.

"Pa," Natutuwang saad ni Marcel. "Baka mamaya, malamog naman 'yang anak ko sa inyo." Biro niya

sa kaniyang ama. Si Hernan kasi ang unang nakahawak sa sanggol imbis na sarili nitong ina. Halos

ayaw na niyang bitawan ito dahil masyado siyang natutuwa habang sinu-sulyapan ang sanggol.

"Hindi a," saad naman ng ama. "Aalagaan natin ng mabuti itong apo ko." Binigay ni Hernan ang bata

sa kanyang ina na si Helen. "Siya ang bagong anghel ng ating pamilya."

"Tignan mo nga naman. Kamukhang-kamukha mo talaga ang anak mo," Helen said to her husband,

Marcel. Just like Miranda, it was an achievement for her to give birth to a handsome boy like this. And

she was really proud that this boy was the living proof of the love of her and her husband to each other.

"Huwag sanang maging babaero katulad mo." Biro ni Helen sa asawa habang nakatingin pa rin sa

kanilang munting anghel. Tumawa na lang si Marcel sapagkat alam niya na babaero siya noon pero

nang makilala niya si Helen, doon niya nalaman kung gaano ba talaga karapat-dapat na pahalagahan

ang isang babae.

Helen may be his karma but he was proud to have her love.

"Hindi na ako babaero dahil ikaw lamang ang babae ko at magiging babae ko." Niyakap ni Marcel ang

kaniyang mag-ina. Pinapangako niya sa sarili niya na habang-buhay niyang p-protektahan at

mamahalin ang kaniyang mag-iina.

Having a family is a blessing from God and he should treasure them with his life because it is only a

one in a lifetime chance and he should love them at all costs.

"Sweet niyo naman. Baka langgamin kayo niyan." Biro ni Hernan habang hindi pa rin mabura-bura ang

ngiti sa kaniyang mga labi.

"Ano ba ang ipapangalan natin sa apo ko?"

"Lukas Angelo." Sabay na banggit ng mag-asawa.

***

Kinabukasan, napag-isipan ni Hernan na bisitahin si Juan upang ihayag ang kaniyang kasunduan na

matagal nang pinaplano.

"Paano kaya kung ipagkasundo narin yung mga apo natin?" Nagulat si Juan sa winika ni Hernan. Hindi

naman ugali ito ng kaniyang kaibigan na mag-desisyon na lang bigla-bigla. Ngunit kung mayroon

naming malalim na dahilan, hindi niya ito alam.

"Ano ba ang nakain mo at naisip mo yan? Sanggol pa lang ang mga apo natin pero ipagkakasundo mo

na?" Iritadong wika ni Juan. Sanggol pa lamang ang kanilang mga apo at basta na lang itinali na

lamang sa kasunduan. May karapatan silang pumili ng taong mamahalin nila at hindi puwedeng i-asa

na lang sa kung kanino ito ipinagkasundo. Mayroon silang sariling isip at puso upang patunguhan ang

kanilang buhay.

"Ayos lang 'yan kumpadre." Ngumiti sa kaniya si Hernan. "Total ay pagsasamahin natin ang mga

kumpanya natin, maganda na rin siguro kung ang mga apo natin ang magkakatuluyan upang sa

ganoon ay sila mismo ang magkatuwang sa pagpaptakbo ng kumpanya balang araw."

Napaisip din si Juan. May punto rin naman si Hernan. Kahit medyo nag-aalinlangan ay sumang-ayon

na lang siya. Hindi na rin siguro masama ang maging sigurado lalo na't mas madali nga naman

pamahalaan ang kumpanya lalo na kung magka-sangga sa buhay ang dalawang mamumuno dito.

Ganoon na lamang ang gulat ni Juan nang maglabas si Hernan ng isang papel. Kaniya itong kinuha at

binasa.

"Kontrata? Kailangan pa ba nito?" Hindi maigilang tanong ni Juan sa kaniyang kaibigan. Para saan?

"Oo naman, Juan. Para malaman ng ating mga apo na seryoso ang kasunduan na ito." Agad naman

pinirmahan ng dalawa ang kontrata na iyon.

Mukha bang hindi seryosong usapan ito? Tinig ni Juan sa isipan habang pinipirmahan ang kontrata.

Gagawin lamang niya iyon para na rin sa kinabukasan ng apo.

"Pero paano kapag ayaw na mga apo natin sa isa't isa?" Tanong ni Juan. Naniniwala siya na sa loob

ng dalawamput-limang taon ay siguradong may makikilala ang kanilang mga apo at sila ang pipiliin ng

mga ito.

"Maraming paraan, Juan. Maraming paraan."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.