The Fall of Thorns 1: Alano McClennan

Chapter 10



Chapter 10

“WHAT’S the matter?”

Nag-aalalang inalalayan si Clarice ni Alano. Napatitig siya sa katabing binata na para bang hindi

malaman kung ano ang gagawin. Muling nangilid ang mga luha niya. How could life be so cruel to both

of them?

Sa nanlalabong paningin dala ng pagluha ay ibinalik ni Clarice ang pansin kay Benedict. Bumalik na sa

pagkain nito ang matanda. Hawak ng nanginginig na mga kamay nito ang isang sandwich. Bahagyang

kumalat sa mga labi ng matanda ang palaman ng kinakain pero wala itong pakialam. Ang blangkong

mga mata nito ay nanatili sa pagtanaw sa swimming pool. The old man looked so lost. His expression

was exactly how she felt at that moment.

How can I fight someone like that?

Sumunod na tiningnan ni Clarice ang ina ni Alano. Nakatakip ang kamay sa bibig nito na para bang

gulat na gulat habang ang mga mata ay puno ng recognition na nakatitig din sa kanya. Walang buhay

na napangiti siya. Nagkita na sila minsan ng ginang sa eleksiyon, noong panahon na

nangangampanya si Benedict. Natatandaan niyang umuwi ng bansa ang ginang pero hindi kasama

ang tatlong anak nito. Siguro ay natakot itong malaman ng mga anak ang tungkol sa bulok na

pagkatao ng asawa kaya ginusto nitong protektahan ang mga iyon at ilayo mismo kay Benedict.

“Clarice, ano ba’ng nangyayari?”

Hindi na nagsalita si Clarice. Tahimik na inalis niya ang mga braso ni Alano na nakasuporta sa

kanyang baywang. Itinulak niya ito. Kahit nanghihina pa ang mga tuhod ay pinilit niyang tumayo.

Dahan-dahan siyang naglakad palayo sa tatlo. Malapit na siya sa front door nang maramdaman ang

pamilyar na kamay ni Alano na pumigil sa kanyang braso. Napahinto siya sa paglalakad. Hinila siya ng

binata paharap dito.

Bakas ang pinaghalong pagtataka at pag-aalala sa anyo ni Alano. “Bakit ka nagkakaganito?”

naguguluhang tanong nito. “Ano ba talaga ang nangyayari sa `yo? Make me understand, baby,

please.”

“I just feel so tired,” mahinang sagot ni Clarice. Sa nakalipas na mga taon na halos hindi siya

nagpahinga sa pagtatrabaho, ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng katulad ng matinding kapaguran

na nadarama niya nang mga sandaling iyon. The sole purpose of avenging gave her strength. Hindi

siya huminto hangga’t hindi niya nararating ang rurok ng tagumpay. Dahil gusto niya na sa muling

paghaharap nila ni Benedict, may magagawa na siya hindi tulad noon. Pero wala nang silbi iyon

ngayon. Ni hindi niya nga masumbatan ang matanda. Ang katotohanang iyon ang lalong nagpapahina

at nagbibigay ng labis na kapaguran sa kanya. “Please just let me go. I want to be alone desperately.”

Inalis ni Clarice ang kamay ni Alano sa braso niya at muling lumapit sa pinto. Nang mabuksan iyon ay

dere-deretso na siyang lumabas. A guard escorted her through the gate. Ito rin ang tumawag ng taxi

para sa kanya. Nang sa wakas ay may huminto sa tapat nila ay nagmamadaling pumasok na siya

roon. Nang makalayo na ang taxi ay saka niya hinayaan ang sariling humagulgol. Tinakpan niya ng

mga kamay ang bibig at impit na napasigaw. She didn’t mind the driver who curiously eyed on her.

Her heart was too broken to care about anything or anyone at the moment.

“NASAAN ka?” naninikip ang dibdib na tanong ni Alano nang sa wakas ay sagutin ni Clarice ang tawag

niya. Wala ang dalaga sa apartment nito nang puntahan niya may isang oras na ang nakararaan.

“I’ve been to a bar,” namamaos na sagot ni Clarice. “Bakit gano’n? Ang sabi nila, kapag naglasing ka,

makakalimutan mo daw ang lahat ng problema mo. Pero hindi pa rin ako makalimot. Ni hindi ako

malasing-lasing.” Natawa ito sa kabilang linya. “Does it mean that my problems are stronger than the

alcohol?”

“Stop that.” Marahas na napabuga ng hangin si Alano. Sandali siyang tumigil sa pagmamaneho.

“Sabihin mo sa ‘kin ang totoo,” nakikiusap nang sabi niya. “Nasaan ka? Pupuntahan kita. It’s not safe

for you to be alone right now.”

Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng tunog na para bang lagaslas ng tubig. Muli siyang inatake ng

kaba. “Clarice, tell me the damn truth. Where the hell are you—”

“Does it matter where I am?” Humikbi ang dalaga. “I feel like dying right now.”

“Please don’t do anything crazy.” Alano breathed painfully. Muli niyang iminaniobra ang sasakyan

habang hawak pa rin ang cell phone sa kabilang kamay. Malikot ang mga mata niya habang

nagmamaneho, nagbabaka-sakaling makikita si Clarice. Dumiin ang pagkakahawak niya sa manibela

nang marinig ang paghagulgol ng dalaga. “Clarice, mahal kita. Sabihin mo naman sa akin kung nasaan

ka. Darating ako agad. Let me at least be with you, I’m begging you.”

Ilang minuto ang lumipas bago sa wakas ay sumagot ang dalaga.

“Apartment,” mahinang sagot nito bago nawala na sa kabilang linya. Binilisan ni Alano ang

pagmamaneho pabalik sa tinutuluyan ni Clarice habang patuloy pa rin sa malakas na pagkabog ang

dibdib niya.

Nang makarating na roon ay nagmamadaling ipinarada ni Alano ang kotse. Binuksan niya ang gate at

halos takbuhin ang pinto. Sunod-sunod na kumatok siya roon pero walang sumasagot mula sa loob.

Damn it. Muli siyang bumalik sa kanyang kotse at kinuha sa dashboard ang susi ng bahay na ipina-

duplicate niya noon. Ginamit niya iyon nang minsang sorpresahin si Clarice noong first monthsary nila.

Pagkagising ng dalaga noon ay nakahanda na ang mga paborito nitong pagkain.

Mapait siyang napangiti sa naalala bago tuluyang binuksan ang pinto.

“Clarice!” Madilim na kabahayan ang sumalubong kay Alano. Lumapit siya sa naaalalang kinaroroonan

ng main switch. Nang makapa iyon ay binuksan niya ang mga ilaw. Pero wala sa sala dalaga. Tinakbo

niya ang hagdan papunta sa kwarto nito. Nang makarating doon ay nakarinig siya uli ng paglagaslas

ng tubig na sigurado siyang mula sa shower. Dumeretso siya sa banyo. Binuksan niya ang pinto niyon.

Maliwanag kahit paano roon dahil bukas ang ilaw. And there lies his Clarice... On the floor.

Nakasalampak ito sa sahig. Suot pa rin nito ang lahat ng damit nang magpunta sila sa Olongapo.

Patuloy pa rin ang pagragasa ng tubig sa buong katawan ng dalaga na nagmumula sa shower kasabay

niyon ay ang malakas na paghagulgol nito. His heart wept at the sight.

Pumasok siya sa banyo. Pinatay niya ang shower. Lumuhod siya sa harap nang nagulat na si Clarice

at buong higpit na niyakap ang basang-basang katawan ng dalaga. “Gusto mong makapaghiganti, `di

ba? Ako na lang, Clarice. Ako na lang ang gawin mong kabayaran.”

Sa hindi na mabilang na pagkakataon sa araw na iyon ay muling naalala ni Alano ang mga ipinagtapat

ng ina. Nag-ulap ang kanyang mga mata.

“LET HER go, Alano,” nakikiusap na sinabi ni Alexandra nang akmang susundan ni Alano ang kanyang

fiancée. “Mag-usap na muna tayo.”

“Sa susunod na, `Ma.” Binuksan niya ang pinto. “With Clarice’s current state of mind, I don’t think she

can go home safely and—”

“Carla was the name of the woman your father had ever loved through the years, son. She was one

beautiful woman. Schoolmate siya noon ng ama mo sa college. Pero si Carla, iba ang lalaking gusto.

Si Roman.”

“For crying out loud, ‘Ma! This is not the right time to talk about Dad’s puppy love!” Hindi na napigilan ni

Alano ang bahagyang pagtataas ng boses. Naihilamos niya ang palad sa mukha. Gulong-gulo na ang

isip niya. Napabuga siya ng hangin at pilit na kinalma ang sarili bago humihingi ng pang-unawang

tumingin sa kanyang ina. Pain was all over his mother’s eyes. “I’m sorry, ‘Ma. I didn’t mean to shout at

you. Babalik ako. Kung sa pagbabalik ko at gusto mo pa ring pag-usapan ang bagay na ito, makikinig

na ako, pangako. But right now, I need to talk to my—”

“Nagpakasal sina Carla at Roman. Nagkaroon sila ng isang anak. It was a girl. And they named her

Clarice. Clarice Anne Alvero.”

Natigilan si Alano. Gulat na bumalik ang tingin niya sa ina.

“I’ve already met Clarice fifteen years ago, son. At hinding-hindi ko malilimutan ang malaanghel na

mukha niya.” Gumuhit ang malungkot na ngiti sa mga labi ng ina. “Dahil kamukhang-kamukha siya ng

nag-iisang babaeng pinag-alayan ng papa mo ng puso niya.”

“Ma—”

“Ni minsan ba ay hindi ka nagtaka kung nasaan ang mga magulang ni Clarice?”

Kumunot ang noo ni Alano. “She told me that her father died when she was thirteen, while her mother

is in a mental institution right now.”

Umawang ang bibig ni Alexandra sa pagkabigla.

“Hindi raw natanggap ng kanyang ina ang nangyari sa pamilya nila. Naiwan siyang mag-isa.” He

breathed heavily upon remembering the sadness in Clarice’s voice as she unfolded her life story to

him. “Thank God for the man who helped her and adopted her. Pero ang sabi niya, meron daw taong

sinadyang patayin ang ama niya.” Inilahad na ni Alano sa ina ang nalalaman dahil umaasa siyang may

idea ito sa nangyari sa pamilya ni Clarice.

Agad na lumapit siya sa ina nang makita ang pagluha nito. “What’s wrong?”

“Ang akala ko, hindi na muli pang mauungkat ang nakaraan. Kaya ibinaon ko na siya sa limot kasabay

ng pagkawala ng mga alaala ng Papa mo. Pero wala ring nangyari. It seemed that the past came back

with vengeance.” Natawa si Alexandra pero mapait iyon sa pandinig ni Alano. “And it’s out to torture

the present, son,” she whispered in grief. “It looks like Clarice... Is after your dad.”

“My dad’s death was not an accident. Someone intentionally killed him.” Para bang tuksong

umalingawngaw sa isip ni Alano ang mga sinabing iyon noon ni Clarice. “To succeed and avenge

became my purpose and without them, I’d be lost.”

Mahigpit na hinawakan ni Alano ang mga balikat ng nakayukong ina. Nanginig ang kanyang mga

kalamnan sa pinaghalong kaba at takot. “Tell me that it was not Dad, Mom,” nakikiusap na sinabi niya.

“Hindi siya ang dahilan ng pagkamatay ng ama ni Clarice, ‘di ba? Imposibleng mangyari ‘yon. Hindi

gano’ng tao si Dad, ‘di ba?” Naalala niya ang kakaibang reaction ng kanyang fiancée nang makita nito

sa wakas ang kanyang ama. At ngayon, heto naman ang kanyang ina na nagpapatibay ng hinala niya

pero ayaw tanggapin ng kanyang sistema ang nabubuong sagot. Tensiyonadong inangat niya ang

luhaang mukha ng ina. “`Ma, answer me. It wasn’t Dad... Right?”

“Huwag mo sanang husgahan ang ama mo.” Mahigpit na kumapit si Alexandra sa braso ni Alano.

“Minsan, may mga bagay tayong nagagawa sa tindi ng pagmamahal na nararamdaman natin para sa

isang tao. Sometimes, love can blind a person, Alano.”

Sa isang iglap ay gumuho ang mundo ni Alano. His mother’s words were more than a confession.

June 24, 1999

MAY IBA’T IBANG uri daw ng pagmamahal. Some are selfless, some are greedy. I chose to love the

greedy way. I thought if I have every thing, I would get the woman that I have always wanted.

What I did for love the past months would probably exceed what the villain in every movie does.

Ninakaw ko ang pangarap ni Roman na maging Mayor. From business partners, we became rivals.

Winning the election was easy as long as you have the money. Because I realized that money can buy

even a government position. I should have stopped there. Alam kong anuman ang gawing

pangangampanya ni Roman, sigurado na ang panalo ko. Pero hindi ako nakontento. Because I know

Roman. Matalo man siya, makakabangon pa rin siya dahil sa suporta ng pamilya niya. He had his

treasures, Carla and his daughter.

The unrequited love plus the resentment, those I learned, were deadly. One crazy day, Roman and his

friends died. I had my people worked on it. Carla was now single. Wala na siyang iba pang

masasandalan. Pero sa kabila ng alok ko sa kanya, tinanggihan niya pa rin ako. Ang akala ko, novelbin

nagmamalaki lang si Carla dahil meron pang natitira sa kanya. So I took more from her. I took their

wealth, their company’s shares. I made it possible for their shares to be transferred to mine. I took

Roman’s everything. But in the end, I still lost.

There was just something that Roman have that I don’t; he was the hero, I was the villain.

I just realized that when Carla came in the office with her little girl, Clarice. Nakaya kong sikmurain at

pangatawanan ang pagiging kontrabida sa mga mata ni Carla pero hindi sa anak niya. When Clarice

looked at me as if she was seeing a monster in me, for one brief moment, I must admit, I regretted

being me.

Still, I continued with the show. It’s the only thing I’m at least good at. I’m a murderer. I’m a thief. And I

will carry this down to my grave... Together with my love for Carla still burning inside me.

Benedict

MULING pumatak ang mga luha ni Alano nang maalala ang mga sinabi ng ina at ang nabasang entry

na iyon sa isa sa mga diaries ng kanyang ama. Parang pinipiga ang puso niya habang patuloy sa

paghagulgol si Clarice sa kanyang tabi. Sa loob ng ilang buwan, ginusto niyang malaman kung sino

ang tao sa likod ng mapapait na pangyayari sa buhay ng dalaga. He wanted to give her the justice she

deserves. Pero paano niya magagawa iyon kung sariling ama niya pala mismo ang may pakana niyon?

Ni hindi niya na makokompronta ang huli tungkol sa bagay na iyon. Ni sa hinagap, hindi niya naisip na

kilala niya pala ang tinutukoy ni Clarice noon sa beach house.

Nang umuwi silang magkakapatid kasama ang ina sa Pilipinas pitong taon na ang nakararaan ay

nagpapakita na ng senyales ang ama ng pagkakaroon ng dementia. He was diagnosed to be on the

fifth stage of Alzheimer’s disease at that time. Kinailangan nila itong ilayo at itago sa publiko. They

were told that Benedict had been receiving death threats.

Ayon sa bodyguard ng ama ay sigurado na mula raw iyon sa mga kalaban ni Benedict sa negosyo.

Hindi nila ipinaalam ang kalagayan nito sa kahit na sino sa labas ng kanilang pamilya sa takot na

samantalahin ang ama ng ibang tao. Pinalabas nila na nagretiro na ang huli at kasalukuyang

nagbabakasyon sa iba’t ibang lugar. Simula noon ay sila nang magkakapatid ang namuno sa

kompanya matapos pirmahan ni Benedict ang ilang dokumento. Noong panahong iyon, kahit paano ay

may naaalala pa ito kahit pa nagkakaroon na ng lapses sa memorya nito. And just two years ago, his

father’s illness got worse, hanggang sa tuluyan na itong walang maalala tungkol sa sarili nito. Maging

ang mga bagay tulad ng pagkain, pag-inom, pagbibihis at pagsasalita ay hindi na nito maalala at hindi

na magagawa kung wala ang tulong ng kanyang ina.

Benedict was fifty when he started showing signs of Dementia. He acquired an early-onset Alzheimer’s

disease. Ayon sa geriatrician na sumuri dito ay malaki ang posibilidad na hereditary ang sanhi niyon.

Their great grandmother died of the same disease.

Simula nang umuwi sila sa Pilipinas ay ang ina na ang nagtalaga sa sarili bilang tagapag-alaga ng

ama. Nag-iwan na lang silang magkakapatid ng mga guwardiya sa mansiyon nila sa Olongapo para

makasiguro sa kaligtasan ng mga magulang. Buwan-buwan kung dumalaw sila roon. At tuwing

gagawin nila iyon ay nagsasama sila ng mga pulis na nakasibilyan para sakali mang may sumusunod

sa kanila ng mga kapatid ay magagawan kaagad nila ng paraan at matutuklasan na rin nila kung sino

ang nagpapadala ng death threats sa kanilang ama. Taon-taon din kung ilipat nila ng safe house ang

mga magulang.

Unang pagkakataon nila ng mga kapatid na makarating sa Pilipinas pitong taon na ang nakararaan.

Nang aksidenteng mabuntis ni Benedict ang kapwa nito Filipino-American niyang ina ay sa Boston,

kung saan nakatira ang ina, nagpakasal ang dalawa. Anim na taon matapos ipanganak si Austin ay

tuluyan nang naghiwalay ang dalawa at nagpadala na lang ng sustento sa kanila si Benedict. Nag-

divorce ang mga ito. Mula noon ay bumalik na sa Pilipinas ang kanilang ama at bihira na nilang makita.

And for the past years, though Alexandra tried so hard to fill the void in her son’s lives, a part of them

still yearned silently for their father. Kaya masaya silang nagpunta sa Pilipinas sa pag-aakalang

makakasama na ang kanilang ama. Pero naglaho ang saya at pag-asang iyon nang unti-unting hindi

na sila nito maalala.

Sa kabila niyon ay nanatili ang mataas na pagtingin nila kay Benedict. They have always thought that

Benedict was a brilliant businessman. Bukod sa McClennan Power, Oil, and Mining Corporation ay

mayroon pa itong pag-aaring construction company na minana pa sa ama dahil nag-iisang anak lang

ito. Ang parehong mga negosyo ay matagumpay nitong napamahalaan.

Pero naglaho ang lahat ng paghangang iyon nang nalaman ni Alano ang isa sa mga lihim ng ama.

Aminado siyang kahit pa narinig niya na mula sa ina ang kompirmasyon ay hindi niya pa rin nagawang

maniwala. Benedict unfolded his deepest and darkest secrets to Alexandra years before his memory

completely faded. Iyon ay noon daw umuwi sila sa Pilipinas at ang kanyang ina na ang madalas na

nakakasama nito. Pero hindi iyon maatim na paniwalaan ni Alano hanggang sa ipakita na sa kanya ng

ina ang ilan sa mga journals ng ama.

“Gusto mong maghiganti kay Papa, `di ba? Then use me. If he took your father’s life, then take mine.

From now on, I will be yours. Do whatever you want to do with me. You have the rest of my life. Alam

kong hindi pa sapat na kabayaran ‘yon kaya patawarin mo ako kasi ‘yon lang ang kaya kong ibigay sa

‘yo.” Nabasag ang boses ni Alano. “You can have all of me, Clarice.”

Lumayo kay Alano si Clarice. Halos lumubog siya sa pinaghalong sakit at kahihiyan nang makita ang

paglarawan ng sakit at galit sa anyo ng dalaga.

“Alam mo na pala.”

“Oo.”

Good Lord. He was in love with someone who treats him exactly like an enemy.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.